Pinoy Overseas

The Filipino Overseas Employment Resources. POEA Recruitment Agencies, Pinoy Overseas Employment, Job Orders, Jobs Abroad and Guidelines.

Trabaho sa Shriners Hospital for Children sa Montreal – Fake

Mag-ingat po sa email na kumakalat na nag-aalok daw ng trabaho sa Shriners Hospital for Children sa Montreal, Quebec, Canada. Heto ang mga elemento ng peke o bogus na modus operandi:

  • Ang nagpadala ng email ay tila taga Shriners Hospital for Children (kennethguidera@shrinershopsitalsforchildren.info);
  • Recruitment kuno ng caregivers, nurse aides, midwives, therapists — graduate or undergraduate, with or without PRC license daw;
  • No experience required kuno, no examinations required kuno, no placement fee kuno;
  • May seminar na kailangang puntahan at bayaran ng P3,760;
  • May recruitment agency daw na pinangalanan, pero sa huli ay direct hiring or name hiring arrangement naman daw;
  • Padala daw ng resume o bio-data sa isang email address; at
  • Kailangan daw magmadali kasi “first pay, first reserve basis”.

HETO NAMAN PO ANG MGA ELEMENTO KAYA’T HINDI DAPAT PATULAN ITO:

1. NANININGIL NG PERA.
2. NAGMAMADALI.
3. PURO MINATAMIS NA PANG-AKIT (NO PLACEMENT FEE, NO PRC LICENSE. NO EXAMS, ETC.).
4. MAY LICENSED RECRUITER DAW, PERO DIRECT HIRING NAMAN.
5. HINDI HO ESTILO O SISTE NG FOREIGN EMPLOYER, LALO NA SA CANADA, NA SUMULAT NG EMAIL.

HUWAG NA HUWAG HONG PATULAN ITO. MAGING MATALINO, HUWAG MAGPALOKO!

Updated: May 16, 2015 — 5:45 pm
Pinoy Overseas © 2014 Frontier Theme