Pinoy Overseas

The Filipino Overseas Employment Resources. POEA Recruitment Agencies, Pinoy Overseas Employment, Job Orders, Jobs Abroad and Guidelines.

Recruitment sa Gedisco Center sinugod ng POEA at PNP-CIDG

MISSION: BANTAY GEDISCO

Sinugod ng mga operatiba ng POEA at PNP-CIDG ang Gedisco Center sa Mabini St., Ermita, Manila, para magsagawa ng “salvo inspection” o malawakang inspection ng mga recruitment agency sa isang lugar.

May reputasyon bilang lungga ng mga pasaway na recruitment agency at foreigner na nagsasagawa ng recruitment ang Gedisco Center. Kaya’t nararapat lamang na puntahan ito ng POEA at PNP.

Nabisto sa Gedisco ang 12 na recruitment agency dahil sa paglabag sa batas patungkol sa makatao at disenteng recruitment ng mga OFW:

1. Nahuli sa akto ng recruitment ang mga kawani ng Mind Resources Corporation, na kanselado na ng POEA mula pa noong Oktubre ng 2014. Nasa dalawang palapag ng Gedisco Center ang opisina: sa 2nd floor nadiskubre ang isang Lebanese national na si Zein Hussein na nagsasagawa ng recruitment, at sa 4th floor naman nadatnan ang clerk na si Haydee Mamolindas.

2. May 11 recruitment agency ang nahuli sa akto ng iba’t-ibang paglabag sa POEA rules and regulations, katulad ng hindi pagpaskil ng organizational chart, walang BIR-authorized na mga resibo, mga hindi rehistrado na mga trainees, hindi rehistrado na mga kuwarto, walang anti-illegal recruitment posters, mga job vacancies na nakapaskil na walang sapat na impormasyon, at presensiya ng mga foreigner na may mga kuwarto, lamesa, at litrato.

Ang mga recruitment agency na nahuli ay mga sumusunod:

a. NRS Placement Inc.
b. MS Brains International Manpower Services
c. M & P Employment Inc.
d. Creative Artist Placement Services Inc.
e. Care International Placement Corp.
f. Bionic Manpower Services
g. Femex Recruitment Agency
h. Rejoice Employment Agency
i. Arjoy’s Human Resources Management
j. Gold & Green Manpower Management
k. Rotana International Manpower

3. Kinasuhan na sa POEA adjudication office ang mga nasabing ahensiya, sabay endorsement sa IACAT-DOJ para kasuhan at manmanan din ang mga recruiter sa Gedisco Center.

4.Babalikan muli ng mga operatiba itong Gedisco Center para mag-conduct ng salvo inspection.

Pinoy Overseas © 2014 Frontier Theme