Pinoy Overseas

The Filipino Overseas Employment Resources. POEA Recruitment Agencies, Pinoy Overseas Employment, Job Orders, Jobs Abroad and Guidelines.

POEA PAYO PATUNGKOL SA “POEA-APPROVED JOBS” KUNO

Mag-ingat sa mga post, re-post, tweet at retweet na nasasagap o kinakalat sa social media, patungkol sa mga “POEA approved jobs” kuno. Heto ho ang mga mahahalagang tips kung paano patulan o di patulan ang mga ito:

1. Magduda. Huwag kagatin ng biglaan ang anumang alok ng trabaho sa social media, email, o internet.

2. Huwag maglabas o magpadala ng pera sa mga nag-aalok ng trabaho.

3. Siguraduhing lisensyado ng POEA ang recruiter. Hingin ang pangalan at POEA license number ng ahensiya. Heto ang mga paraan kung paano mai-check o magtanong kung lisensyado nga:

– sa anumang opisina ng POEA, DOLE o OWWA, at sa partner agencies katulad ng DFA, DOJ, Bureau of Immigration, PNP, at NBI;

– sa POEA landline hotlines: 7221144, 7221155;

– sa POEA recruiter search engine sa kanang itaas na bahagi ng POEA web site: www.poea.gov.ph;

– sa POEA mobile phone application, downloadable for free sa Google Play or App Store; at

– sa POEA Facebook at Twitter accounts.

4. Maaring ma-check din sa mga nabanggit na contact info ang pangalan ng mismong tao na nagre-recruit. Ang POEA ay may talaan ng lahat ng opisyales at empleyado ng licensed recruiters.

5. Kung lisensyado nga ang recruiter, mag-demand ng personal o harap-harapan na pakikipag-usap. Mas lalong dapat pagdudahan ang recruiter na nagpapakita lamang sa social media, email o internet. At dapat po ang pakikipag-usap ay nasa opisina ng recruiter, na dapat ay nakarehistro din sa POEA.

6. MAHALAGA: Huwag umalis ng bansa na walang kontrata, work visa, at POEA exit clearance.

7. Tandaan po: hindi lahat ng nasa social media, email o internet ay totoo.

MAGING MATALINO, HUWAG MAGPALOKO!

Pinoy Overseas © 2014 Frontier Theme